Babae ka, tulad nilang bida ang sarili
Kaya mong manindigang higit pa sa mga hari
Hindi ako o sila ang makakapagsabi
Kung ano ang tama at sayo’y makakabuti.

Babae ka mang sa iba ay mahina.
Tandaan mong buhay ay sau nagmumula.
Higit sa libong kirot ang iyong kinakaya
Upang marinig lamang ang unang ‘uha’.

Sino silang sa iyo ay magpupumilit
Kalayaang mamili, sa iyo’y ipagkakait?
Hindi ang kanilang buhay ang nabibingwit
sa hukay ng kamatayan ‘pag sila ay sumabit.

Babae kang hinahangad at ninanasa..
Nila’ng libog ay hindi kayang isawata.
Pagkatapos ay sasabihing ikaw ang may sala
Sa paghihirap ng iyong pamilya?

Babae kang itinuturing, bagama’t malambing
May bangis ang iyong ganda’t tinig ay may lalim.
Karapatan mo ma’y ipagkait at pilit sikilin
Makakaalpas ka, kung iyong nanaisin.

Advertisements