ikaw, na nanguha at nang angkin
ng mga salitang hindi sa’yo nanggaling.
maanong sabihan ang iyong tagatitik
na maging maingat sa pagkopya ng isip

wag ka na nga kasing magdeny nang magdeny
at sa pagkomento ay maghinay hinay
nang pagkapahiya ay hindi lumawig
hayan ang ngalan mo – plagiarism ang hawig

Ano nga bang excuse ang iyong sinabi,
Walang nga bang batas na ikaw ay binali.
Alam n’yo po ba ang code of ethics?
kung hindi iyo, give the source some credit!

[angst by the writer]

Advertisements